by: Karen Rose Tawas

Sinubukan kong sukatin ang lebel ko bilang tao,
Kung saan ba nababagay ang tulad ko sa mundo
Nagbasa ng dyaryo, pati libro.
Naghanap sa internet, pakikinig sa guro tuwing history at diskurso.
Ang ibang detalye ay sadyang malabo.
Ang ibang impormasyon ay nanatiling misteryo.
Bakit nga ba ang lipunan natin sa kasalukuyan;
Ay ini-aantas ang Tao sa kakayanan at kayamanan?
Upper Class. Mga taong itinuturing na Diyos, ng mga dukha.
May ari nga mga korporasyon at naglalakihang pabrika.
Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Mapalad ang indibidual na mapapabilang sa kanilang panig.
Middle Class. Salapi at kasikatan ang kanilang pinaghihirapan.
Uri ng pagkain, damit at pamumuhay ang kanilang basehan.
Maraming pagkakataon na pwede kang umangat,
Tumambay magdamag sa mga party at club.
Lower Class. Tugtugin at gitara ang kabuhayan nila.
Sila ang pinaka napabayaan sa mga antas.
Ang lebel kung saan, tila nakalimutan na ng lahat.
Mga adik sa droga, pulubi at mga nomad.
Mga sitwasyong labis na kaawa-awa.
Libingan ay kumunoy ng paghihirap at dusa.
Batang sikmura palaging walang laman.
Resulta ay halos buto at nangangayayat na katawan.
Sila ang pinaka apektado, sa pabago- bagong sistema ng gobyerno.